Hymn of Bangsamoro

1. Simula noon hanggang ngayon
Iisa ang naging layon
Magkaisa at magbuklod
Kagitingan ay marubdob

Tumayo tayo mula sa hamon ng nakaraan
Niyapos ang panganib na humahadlang
Pinangako sa puso at paniniwala
Ang ginhawang para sa kabataan

Chorus:
Bangsamoro’y tagumpay
Bunga ng pawis, dugo at buhay
Kapayapaan, Katarungan
Ay atin nang nakamtan

Alhamdulillah, Alhamdulillah
Pagpalain Bangsamoro

2. Bangsamoro, Bangsamoro,
Lagi kang mamahalin
Walang pipigil sa damdamin
Mga pangako’y tutuparin

Habang buhay kami sayo’y magbabantay
Mananatili sa puso’t isipan
Ang kahapong humimlay na
Nagbuwis ng buhay
Nasa piling na ng Maykapal

Chorus

‹ back to Philippines