Bayang Magiliw
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso
Sa Dibdib mo’y buhay.
Lupang Hinirang,
Duyan ka ng magiting,
Sa manlulupig
Di ka pasisiil
Sa dagat at bundok,
Sa simoy at sa langit mong bughaw,
May dilag ang tula
At awit sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo’y
Tagumpay na nagniningning;
Ang bituin at araw niya,
Kailan pa ma’y di magdidilim
Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta,
Buhay ay langit sa piling mo;
Aming ligaya na pag may mang-aapi,
Ang mamatay nang dahil sa iyo.